Patay ang isang 42 taong gulang na lalaki matapos hatawin ng kahoy sa ulo ng kanyang nakaalitan sa Barangay Princess Urduja, Narra, Palawan nitong Sabado ng gabi, Oktubre 4.
Kinilala ang biktima sa alyas Maximo, Samantalang tumakas naman ang suspek matapos ang insidente, na kinilalang si Armando, 49 na taong gulang, kapwa residente ng lugar.
Ayon sa PNP Narra, nakatanggap sila ng tawag mula sa barangay kapitan ukol sa natagpuang bangkay
Sa imbestigasyon, napag-alamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil narin sa dating alitan, bago pinagsusuntok at hinataw ng kahoy ng suspek ang biktima. Agad namatay ang biktima sa tinamong pinsala sa ulo.
Patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad laban sa tumakas na suspek habang isinailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima para sa masusing imbestigasyon
via Romy Luzares