SUCCESSFUL! Umaatikabo on its 4th year ang ginanap na Palawan Content Creators Conference (PALCON) 2025 noong September 27, 2025 sa Convention Hall ng A&A Plaza Hotel. Ito ay dinaluhan ng mahigit 500 content creators, vloggers, influencers, Youtubers, Tiktokers at bloggers mula sa Puerto Princesa City at iba’t ibang bayan sa Palawan.     This year, naging guest speakers ang kilalang motovlogger na si “CAPO”; 2022 Top Education Creator Award in TikTok Philippines awardee na si Raymor “RM” Cuevas; Beautician turned Hysterical TikTok star na si Arman Salon; cooking diva at Balabac pride na si Hja Rawda o mas kilalang “Decko Tum”; at ang Mima ng lahat mula sa Quezon, Palawan na si “Queen Pango”.

On their speeches, nangibabaw ang authenticity ng mga guest speakers tulad ni Decko Tum at Queen Pango na nagmula sa malalayong lugar, isla at bundok na mahirap man ang internet signal ay nagawa nilang magparami ng followers. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang kultura at pagkain sa tribu, isang Samat si Beyang Decko at Palaw’an naman si Queen Pango.

Hinimok naman ni RM ang lahat na huwag lang mag focus sa pagiging viral, bagkus ay gawing makabuluhan ang bawat video na ibinabahagi sa kanilang mga followers at dapat ay mayroong matutunan sa kanilang content. Ayon naman kay CAPO na naka-ikot na sa buong Pilipinas, mas i-prayoridad ang pagpapakilala sa likas na ganda ng ating lugar, lalo na ‘yong hindi pa kilala. Sabi niya, Pilipinas muna bago ang ibang bansa.

Naging emosyonal naman si Arman sa pagkuwento ng kanyang buhay mula sa pagiging parlorista hanggang sa sumikat online. Para sa kanya, dapat mangibabaw ang kagustuhan sa gustong gawin, at i-enjoy lang ito kahit ano pa ang iyong edad.

Nag perform sa PALCON 2025 ang Sining Amyhan, ang Tagbanua Viral Singing Champ na si Mikay Bacaltos, at local acoustic singer na si Simon Almira. Naging mga hosts ng programa sina Mama Morena, Josh Baste, Niko Mendoza, Archie Barone at DJ Tootsie Givana.

Um-attend din sa event sina Puerto Princesa City Councilor Matthew Mendoza, Tourism Officer Demetrio Alvior, at dating Vice Mayor Nancy Socrates.

Ito na ang ika-4 na taon ng PALCON, ang nag-iisang event kung saan nagtitipon ang halos lahat ng content creators sa Palawan on relation to the celebration of National Tourism Month sa Puerto Princesa.

Palawan Content Creators Conference 2025 is presented by the City Tourism Office of Puerto Princesa, in partnership with Puerto Princesa City Youth Development Office, Cebu Pacific, Hue Hotels and Resort Puerto Princesa, Blogapalooza, Infinite Digital Media and Techmart Solutions, Caltex, William Tan Enterprises, Inc., Backride Pinas, Universal Robina Corp, A&A Plaza Hotel, Department of Information and Communications Technology (DICT) Palawan, Air Asia Move, Crown Hotel Palawan, Sotogrande Palawan, Icons Empire, Sun Trust, The Power Of, Slow, SM City Puerto Princesa, Earl’s Jewelry And Souvenir, The Soap Basket, Rancho Café, Le Dessert, Ka Inato, Puerto Pension, Portos Balai Fiesta Palawan, at Dayo Filipino Restaurant.

Gayundin ang Bings Pichi-Pichi, PLWN Chocolate, Mark Jacob Hair and Make Up, France Essentials, QSI Perfume, Spudland Jacket Potato, Keyce Crabpaste, Soul Shine Beach House, G-Yadz, Country Bloom Garden. Media partners this year ang DYPR Palawan, Palawan Daily News, Palawan Wave FM at The Palawan Times.

via Joel Evo Contrivida