NANALO ng silver medal ang kabataang atleta na si Mickhael Stefan De Leon, sa 2025 National Interschool Taekwondo Championship, na ginanap noong Agosto 31 sa Ninoy Aquino Stadium.
Lumaban si De Leon sa Poomsae Event kontra 29 iba pang atleta buhat sa iba’t ibang paaralan sa bansa para ito sa brown belt Cadet Male Division. Dala ni De Leon ang Holy Trinity University kung saan Grade 6 student ito doon, na mula sa Brgy. Manggahan dito sa Puerto Princesa.
Si De Leon ay nagsanay sa Limitless Taekwondo ng Coach niya na si Paul Romero sa Maynila, ganundin sina Miguel Baladad at Nikki Oliva, dito naman sa Puerto Princesa ay kina Bryan Aquino and Reymark Marianito ng Palawan Mustang Knights Taekwondo sya sinanay.
Via Joel Contrivida