









Joel Contrivida
Humakot ng 4 na Gold medals, 12 Silver at 7 bronze medals ang 13 kabataang Palaweno swimmers, na lumahok Asian Open Schools Invitational (AOSI) na ginanap sa Assumption University Suvarnabhumi Campus sa bansang Thailand nitong Setyembre 5 at sinalihan ng 14 na bansa, bahagi sila ng Team Pilipinas na sumali.
Ang mga medalist ay sina Alonzo Lukas Dela Rosa na tinanghal na Most Outstanding Swimmer para sa 7yrs old level, nanalo sya ng 3 Gold, 5 Silver, 1 Bronze at 1 AOSI new record (100 Backstroke). 1 Gold, 1 Silver at 3 Bronze naman ang napanalunan niLeondre Rhett Ustares 7 yrs old
Si Sabina Isabelle Ragas, 8yrs old ay may 1 Silver at 2 Bronze, Jaci Francine Binuya 9 yrs old ay may 1 Silver. Eithan Drake Jaurigue, 14 yrs old ay may 4 Silver at 1 Bronze. Arci Dela Rosa, 15 yrs old na may 1 Bronze.
Ang iba pang naka placement ay sina Treceana Palanca 3 yrs old, Jaluz Moulik Varilla – 6y/o, Jelianne Varilla – 9y/o, Skye Adam Daguio – 12y/o, Josefa Isabel Dizon – 12y/o, Athena Brielle Pascual – 12y/o at Javier Enrique Dizon – 15y/o.
Ang mga Palaweño swimmers ay train ni Coach Tiniii Banzuela-Cayetano ng Begin to Swim clinic niya dito sa Puerto Princesa, at bahagi sila ng Team Patriots Luzon sa nasabing kompetisyon na tinanghal na overall champion.