Sabay-sabay ngayong Agosto naglabas ng kani-kanilang mga bagong single o kanta ang tatlong kilalang singer sa Palawan na sina Armando Cortez, Jinx Golifardo at June Ocampo, at available na ito sa ibat ibang streaming platforms online gaya ng Spotify, Youtube at maging sa Facebook.
Una si Armando Cortez Jr as a solo artist this time, para sa kanta nyang “Akala Ko Ako lang ang gusto” na released thru Mabuhay Music Group, sabi ni Armado kuwento ng pag ibig ng isang dalagang focus sana sa pag-aaral, pero na-inlove ito sa kanyang tinuturing na best friend. Inareglo ang kanta sa Metro East Records at Indigo Studios PH.
“I Want You” naman ang latest song ni Jinx Golifardo na siya mismo ang nag produce, anya mapapa throwback ka sa single na to dahil from Friendster era pa ng Social media ang peg ng kuwento ng isang High school student na hinanap ang crash sa nasabing site. Recorded at inareglo ang I Want You sa M-Buss Mix studio.
Classmates’ effort naman ang “Sigurado na sa’yo” ni June Ocampo, dahil gawa sa mismong classroom nila sa Palawan State University ang kanta, na pinagtulungang bouin ng mga kaklase nya sa Architecture ang lyrics nito, at mula dun ay binuo nya ito sa tulong ng banda nyang Wakabs, taong 2023 pa nya natapos maisulat pero nitong Agosto lang na release officially sa iba’t ibang music platforms online na independently produce nya.
Via Joel Contrivida