Kinilala bilang Philanthropic Hero Awardee sa Amerika ngayong taon, ang Palaweno Medication Technician na si Belinda Thomas o dati kilala bilang si Ben Rojo. Ang parangal ay iginawad sa kanya ng Filipino American Cancer Care nitong Oct 12 sa Reston, Virginia.
Ang parangal ay para sa natatanging kontribusyon ni Thomas sa samahan, na tumutulong sa mga FilAm o Pinoy na may sakit na cancer. Isa sa malaking kontribusyon nya ang pagbenta ng iba’t ibang merchandise items ng samahan, kung saan nakalikom sya ng mahigit $3000. Maliban pa sa ambag nya sa kumunidad ng LGBTQi+ at bilang isang fashion model.
Hindi ito ang unang award ni Belinda sa Amerika, recepient din sya ng Pinoy Pride Award nung 2024, buhat sa Philippine American Friendship Community, Inc.
Tubong Brgy. Irawan dito sa Puerto Princesa si Belinda, at nagtapos ng kursong Mass Communication sa Palawan State University.
Via Joel Contrivida