
Nakumpirma na ng Committee on Appointment (CA) si Mr. Raymundo “Mon” Padrones bilang full-fledged Secretary to the Sangguniang Panlalawigan kasabay ng ginanap na 17th regular session ng Provincial Board ngayong Martes, October 21, 2025.
Ang kumpirmasyon ni Padrones ay naging mabilis matapos sang-ayunan ng mga Board Members na miyembro ng CA dahil na rin sa ipinakitang dedikasyon nito bilang dating Assistant Department Head at Acting Secretary, gayundin sa maayos na pakikipag-ugnayan ng kanilang opisina sa mga tanggapan ng bawat bokal.
Nagpakita naman ng suporta sa kaniyang kumpirmasyon si Provincial Human Resource Management Officer Rolando “Doy” Buñi.
l via Borgs Ibabao