Romy Luzares

Patay ang isang 36-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na bus sa National Highway ng Brgy. Abongan, Taytay, Palawan bandang alas-2:15 ng hapon, Oktubre 5, 2025.

Kinilala ang biktima na si alyas June, residente ng Brgy. Bato, Taytay. Minamaneho niya ang pulang Rusi 150 na walang plaka at walang lisensiya. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol si June sa manibela, sumobra sa linya at bumangga sa paparating na Roro Bus na minamaneho ni alyas Rene, 47 anyos, residente ng Roxas, Palawan.

Agad isinugod ng MDRRMO-Taytay ang biktima sa Northern Palawan Provincial Hospital ngunit idineklarang itong Dead on Arrival. Habang Hindi naman nasaktan ang driver ng bus at mga pasahero.

 Nasa kustodiya na ng Taytay MPS ang mga sasakyan habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.