Nais palawakin ng Department of Science and Technology sa mga kabataan sa Palawan, na maging estudyante nila sa Philippine Science High School (PISAY) bilang scholar, na tatanggap ng libreng tuition, tirahan, gamit sa paaralan at may buwanang allowance na di bababa sa P4,000 na posibleng tumaas pa.
Ito ang layunin ng pinalawak na PSHS Caravan na dadayo sa 12 munisipyo sa Palawan na sinimulan ngayong araw sa Puerto Princesa, sa kasalukuyan ay may 12 Pisay scholars na taga Palawan na nasa Odiongan, Romblon nag-aaral, doon kasi ang sentro ng PISAY sa MIMAROPA Region. Hindi pa dyan Kasama ang mga nasa ibang campus ng Pisay sa Visayas at Mindanao.
Bahagi ng malawakang kampanya ang pagkakaroon ng mga testing centers sa lalawigan na maliban sa lungsod ay mayroon din sa iba’t ibang munisipyo, bukas ito sa mga estudyanteng magtatapos sa Grade 6 at nag-eedad na hindi bababa sa 15 taong gulang. I-a-nunsyo ng DOST ang deadline ng mga gustong kumuha ng exam sa Nobyembre, para sa susunod na school year.
Sa mga interesado, kontakin lang ang Email add na pshs@mrc.pshs.edu.ph, Contact nos: 0939-817-2212, at Website: mrc.pshs.edu.ph
Via Joel Contrivida