Sumailalim sa Food Safety Orientation ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga butchers at meat vendors ng Narra Public Market na ginanap kahapon, Miyerkules, October 08, 2025 sa sa Municipal Lagoon.

Ang mga manininda at magkakatay ay siyang unang nakikisalamuha sa mga produktong karne bago ito makarating sa mga mamimili.
Ang aktibidad ay kasabay ng 32nd Meat Safety Consciousness Week na may temang “Karneng Ligtas at Sapat, Tungkulin Nating Lahat Tungo sa Masaganang Bagong Pilipinas” na may layuning maipabatid sa mga partisipante ang kahalagahan ng kaligtasan, kalinisan gayundin ang mapalawak pa ang kaalaman ng mga mamamayan hinggil sa tamang pamamahala at kaligtasan ng pagkain.

Dumating mula sa NMIS Regional Technical Operation Center MIMAROPA na sina Dr. Ma. Elaine Joy C. Villareal, Michael A. Monterey, John Rafael M. Pedernal, at Albertine F. Oblena, na naging mga speakers at gabay ng mga kalahok kung saan ibinahagi ang mga ito ang wastong proseso ng paghawak, pagproseso, at pag-iimbak ng karne para mapanatili ang kalinisan at kalidad nito.
Naging matagumpay ang oryentasyon sa tulong ng Market Office at Narra Special Project Unit, na nakipag-ugnayan sa NMIS at mga partisipante.
l via Borgs Ibabao