Aprubado na ng Energy Regulations Commissions (ERC) noong October 07, 2025 ang pinasok na Transition Power Supply Agreement (TPSA) ng Delta P Inc. (DPI) at Palawan Electric Cooperative (PALECO) para sa 26.65 MW na magus-suplay ng karagdagang kuryente sa Palawan Main Grid.
Ang desisyon ng ERC ay agad na ipinarating ni Engr. Rez Contrivida, General Manager ng PALECO sa tanggapan ni 2nd District Board Member Ryan D. Maminta, Chairman ng Committee on Energy, Oil and Gas Exploration ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.
Kasabay ng nasabing desisyon, ipinag-uutos ng ERC sa National Power Corporation – Small Power Utility Group (NPC-SPUG) na gumawa ng isang Universal Charge for Missionary Electrification (UCME) Subsidy Agreement na kailangang ibalik ng DPI sa PALECO ng DPI ang anumang halagang matatanggap mula sa NPC bilang subsidiya sa pinirmahang TPSA.
Sabi ni Engr. Contrivida, inaantay na lamang ng PALECO ang ilalabas na pamantayan ng NPC sa kung papaano ang magiging paraan nito ng pagbalik ng subsidya sa DPI at pagkatapos ay pag-uusapan na ang sistema ng pag-refund ng DPI sa PALECO na sila namang magre-refund sa mga member/consumer/owner nito.
Ayon sa PALECO, nangako na umano si BM Maminta na tutulong ang Sanggunian Panlalawigan upang mapabilis ang pagpapalabas ng nasabing pamantayan ng NPC.
l via Borgs Ibabao