Joel Contrivida
Muling nakasungkit ng Gold Medal ang Holy Trinity University Grade 8 student na si Maree Giulia Gabriel-Somera, sa Philippine International Mathematical Olympiad, na ginanap sa Cebu City ngayong Set 21.
Bahagi si Somera ng Team Philippines, at sinalihan ito ng 11 mga bansa sa Asya. Umabot sa Final round ang 14 years old na math genius, hanggang naiuwi nito ang medalyang ginto.
Taga Brgy. Milagrosa dito sa Puerto Princesa si Somera, na nitong Agosto lang ay nanalo rin ng Gold Medal sa International Mathematics sa Singapore.
Matapos ang laban sa Cebu, paghahandaan naman nito ang isa pang math competition na gaganapin sa Thailand, sa darating na Oktubre.