Romeo Luzares
Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit – Maritime Group, Balabac Special Boat Crew at Rio-Tuba Maritime Law Enforcement Team at iba pang ahensya ng pamahalaan ang mahigit 6 million pesos na halaga ng smugged cigarettes habang nagsasagawa ng anti-smuggling operation sa karagatan ng Barangay Malihud, Bataraza, Palawan, alas-6:30AM noong September 08.
Sa ulat ng Philippine National Police-Maritime Group, ang operasyon ay isinagawa sa, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling ng mga iligal na produkto sa karagatan ng probinsya kung saan 8 indibidwal ang inaresto at nahuli dahil sa aktong pagbibiyahe ng mga ipinuslit na sigarilyo. Sila ay kinilalang sina alyas “Man” 33, Boat Captain “Arj” 21, “Yus” 23, “Jie” 22, “Musa” 22, “Jum” 35, “Majid” 33 at “Darus” 17.
Nakuha mula sa mga suspek ang 380 kahon ng New Berlin Cigarette na tinatayang nagkakahalaga ng P6,080,000 at 10 kahon ng Fort Cigarette na may tinatayang halaga na P315,000. Ito ay may kabuuang halaga na naabot sa P6,395,000 na walang kaukulang permit mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at hindi rin naglalaman ng Graphics Health Warning.
Ito ay malinaw na paglabag sa Republic Act No. 12022 (Anti-Agricultural Smuggling Act), Republic Act No. 10643 (Graphic Health Warning Law), at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
Ang mga suspek at mga nakuhang ebidensya ay dinala na sa tanggapan ng Balabac SBC, Brooke’s Point Annex, para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Patuloy ang maigting na kampanya ang PNP Maritime Group laban sa smuggling at iba pang uri ng iligal na aktibidad sa karagatan na bahagi ng misyon ng kapulisan na panatilihin ang kaayusan, kapayapaan, at seguridad sa bansa.
📸 PNP-Maritime Group