Kapwa nagwagi sa kanilang laban kahapon, August 24 ang magkapatid na Erson at Alezer Trinidad sa ginanap na Unfinished Business ng Elorde UKC Promotions na sa Sucat, Parañaque City.
Nakalaban ni Erson sa 8-round boxing match si Ariel Alapormina mula sa Zamboanga Del Norte na kanyang napatumba sa huling round at idineklarang technical knockout (TKO) ang laban pabor kay Trinidad. Dahil sa nakuha panalo, si Erson ay mayroon nang 9 wins, 4 loss at 1 draw record.
Ang kapatid naman nitong si Alezer ay nakipagsagupaan kay Elgin Hemo ng Quezon City para sa 4 rounds na laban pero sa round 2 pa lang ay natalo na ang katunggali at idineklarang TKO ang resulta. Pumabor ang laban kay Alezer na ngayon ay mayroon nang 4 wins, 3 draws at 3 TKO na record.
Ang dalawang boksingero ay naninirahan sa Brgy. Iraan, Rizal, Palawan. l via Joel Contrivida