


Borgs Ibabao
Isasagawa ng Land Transportation Office (LTO) Palawan District Office ang Plate Distribution Caravan sa Bgy. Irawan, Puerto Princesa City at munisipyo ng Taytay, Palawan.
Ito ay gaganapin sa darating na September 20, 2025, araw ng Sabado.
Dalhin lamang ang OR/CR ng inyong sasakyan at magdala rin ng isang (1) valid ID para sa proper verification.
Sabi ng LTO, sa mga hindi makakapunta sa caravan, maaari namang magtungo sa kanilang opisina. Sa LTO Palawan District Office, sa Talapichi Building, Rizal Avenue, Bgy. Tagumpay, Puerto Princesa City, mula 8AM-5PM para makuha ang kanilang plaka.
