Borgs Ibabao
Naglabas ng official statement ang Municipal Government of El Nido, Palawan upang sagutin ang mga tinalakay na isyu partikular ang sewage system at kalidad ng tubig sa kanilang bayan.
Ayon sa LGU El Nido, sa kasalukuyan ay hindi pa lahat ng mga business establishments at residential houses ay nakakonekta sa El Nido Sewage Treatment Plant (STP) dahil sa ilang technical challenges. Ang mga ito ay nabigyan na rin umano ng pagkakataon na mag comply at mag konekta.
Anila, ang pagkakaroon ng coliform sa tubig-dagat ay isang ongoing concern ng kanilang bayan, ngunit patuloy umano silang gumagawa ng mga hakbang upang ito ay masolusyunan. Patuloy din anila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DENR, DOH, DOT, at DILG, upang matiyak ang kalidad ng kanilang tubig at nakakasapat sa patuloy na rehabilitasyon.
Binigyang linaw din ng munisipyo ang nabanggit ni DENR Sec. Raphael P.M. Lotilla na ang potable water source ng bayan ay malapit sa disposal site. Ang Bulalacao Water System umano ay matatagpuan sa Sitio Calampinay, Bgy. Pasadena na may layong 10 kilometro mula sa landfill sa Sitio Pasto, Bry. Villa Libertad.
May paglilinaw din ang lokal na pamahalaan kaugnay sa inilaang P300 million ng DOT-TIEZA at ang usapin ng pag-i-issue nila ng mga bagong building permits.
“We’ve been transparent about our challenges and the steps we are taking. While we admit there are areas for improvement, we have consistently sought additional funding, professional guidance, and support from higher authorities to align our local actions with national policies”.
📸 Municipal Gov’t of El Nido, Palawan