Bumisita kahapon August 23 ang lokal na pamahalaan ng Busuanga at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa kilalang tourist destination sa lalawigan ng Palawan, ang Calauit Safari Park.
Pinangunahan ito ni Mayor Raymond Cruz kasama sina Board Members Roseller Pineda, Cherry Pie Acosta, at Al-Nasier Ibba na naglalayong makipag-ugnayan at alamin ang kalagayan ng “game preserve wildlife sanctuary” na pinangangasiwaan ng Provincial Government of Palawan.
Layunin din nitong mas higit pang mapaunlad at mapangalagaan ang 3,700 hectares na parke na tahanan ng ilang mga african and endemic Palawan wildlife tulad ng giraffees, zebras, calamian deer, Philippine crocodile, Philippine Porcupine, Palawan Bearcat, Philippine Mouse-Deer at iba pa. l via Borgs Ibabao