Nagbabala ang Department of Health matapos umabot sa 133 ang kaso ng Leptospirosis sa Palawan at Puerto Princesa City ngayong taon, kung saan 9 na ang naitalang nasawi.
Ayon sa DOH MIMAROPA, 42 na kaso, apat ang naitalang nasawi, ay naitala sa Puerto Princesa. Mataas din ang kaso sa Roxas Palawan na 34 kaso, 1 nasawi, at Narra 10 kaso, isang nasawi. May tig-iisang nasawi din sa Aborlan, Sofronio Española, at San Vicente.
Ang buong MIMAROPA ay may 262 na kaso na at 35 na ang naitalang nasawi.
Hinihikayat ng DOH na magpakonsulta agad sa doktor sa loob ng 24 oras matapos lumusong sa baha, lalo’t hindi lang ihi ng daga ang pinagmumulan ng sakit.
Agarang lunas ang susi upang maiwasan ang malalang kumplikasyon at kamatayan sa mga sakit na ito.
l via Romeo Luzares