Romy Luzares
Himas rehas na sa selda ng Bataraza Municipal Police Station ang lalaking tulak ng bawal na gamot.
Ang suspek ay kinilalang si alyas Potpot 51 taong gulang, may asawa, walang trabaho, residente ng Barangay Tagolango, Bataraza.
Nabilihan ang suspek ng sampung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 68,204.00
Matapos maaresto nakuha pa sa suspek ang dalawang pakete ng bawal na gamot na isang 16.19 grams at 5.90 grams ng marijuana.
Sa kabuuan nasa 26.22 grams ng hinihinalang shabu ang nakumpiska na nagkakahalaga ng Php 178,296.00.
Ang suspek ay natimbog ng Brookes Point Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Drug Enforcement unit, Palawan Provincial Police Office.
Ginawa ang anti drug buy-bust operation ng alas 12:01 ng madaling araw kanina, October 3, 2025, sa Barangay Samarinana, Brookes Point Palawan.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.