Borgs Ibabao
Mabilis na tumugon ang tropa ng Western Naval Command na nakatalaga sa Kota Station sa isang mangingisdang Pinoy na inatake ng high blood pressure habang sakay ng FV Sr. Emilio malapit sa Kota Island, bayan ng Kalayaan, Palawan noong Martes, September 02, 2025.
Ang lalake ay isang 40 years old na residente ng Bgy. Pisa, Tingloy, Batangas na nakaranas ng matinding pananakit ng ulo at pamamanhid sanhi ng mataas na presyon ng dugo habang nangingisda.
Matapos makipag-ugnayan ng kapitan ng bangka sa Kota Station, mabilis na tumugon ang duty corpsman ng naval command at nagkaloob ng medical assistance at magdamag na nag monitor sa tulong ng telemedicine mula sa Naval Station Apolinario Jalandoon Medical Dispensary. Kalauna’y naging stable na ang kondisyon ng mangingisda at hindi na kinailangan ng medical evacuation.
Para matiyak ang full recovery ng mangingisda, hiniling ng kapitan na maisakay ito at isang kasama sa Navy vessel patungo sa Puerto Princesa City para sa karagdagang pagsusuri.
Malugod namang tumugon ang tropa sa hiling sa paninindigang protektahan ang bawat Pilipino na nasa dagat.
“At Western Naval Command, we stand guard—not just for our country’s sovereignty but for the safety and well-being of our fishermen who brave the West Philippine Sea daily”, NWC.