Nagsuot ng kasuutang pang katutubo si Konsehal Dionicio Saavedra, IPMR Representative sa kanilang session ngayong araw, October 13, 2025, ito ay upang magbigay ng Privilege Speech, para sa buwan ng katutubo.
Nagparating si Saavedra ng mga programa sa konseho ng kanilang mga programa sa buong buwan ng Oktobre.
Sinamahan siya ng mga kapwa katutubo sa Session ng Sangguniang Panlungsod bilang suporta sa kanilang representative.
Ikinuwento naman ni Konsehal Jonjie Rodriguez kung paano pumapasok sa kanyang trabaho sa City Council ang IPMR representative, na lumalangoy ito sa ilog at nilalagay sa supot o plastic ang kanyang damit patawid ng ilog sa Sitio Kalakwaksan, Bgy. Concepcion, Puerto Princesa.
Araw araw umano itong ginagawa para mairepresenta ang mga katutubo sa lungsod, na hinangaan ng mga kasamahan sa Sangguniang Panlungsod.
Via Romeo Luzares