‎Sa hangaring mailapit sa mamamayang Palawenyo ang serbisyong pangkalusugan at komunidad, sinimulan na noong October 10 ng Pamahalaang Panlalawigan ang kauna-unahang Yugto, Alaga, Kalinga, Aruga ng Pamahalaan (YAKAP) Program sa Sofronio Española.
‎Mismong si Palawan Gov. Amy Alvarez ang nanguna sa pagkakaloob ng iba’t ibang libreng serbisyo ng YAKAP tulad ng medical and dental services, gupit, pagtutuli, family planning, malaria & HIV, counseling at gamot mula sa PHO, at pagpo-proseso ng tulong pinansyal mula sa PSWDO.
‎Ang aktibidad ay kasabay ng MIMAROPA Information and Service Caravan kaya naghandog din ng serbisyo ang ilang national government agencies tulad ng PhilHealth, DOLE, DMW, Provincial DOH Office, DA, DAR, PSA at NCIP. Naroon din ang PalSU, WPUat Roots of Health.
‎Maliban kay Gov. Alvarez, nagbigay din ng suporta sina Regional Population and Development Coordinating Committee (RPDCC) DEPDev MIMAROPA Regional Director Agustin C. Mendoza, Commission on Population and Development Regional Director Reynaldo O. Wong, Palawan 2nd District Board Member Marivic Roxas, Office of the Governor Executive Assistant Carlo Buitizon at Mayor Abner Rafael N. Tesorio ng Sofronio Española.
‎Sa datos, 606 residente ng nasabing bayan ang naging benepisyaryo ng YAKAP Program na nakapaloob sa PALAWAN+PLUS Development Agenda ni Gov. Alvarez sa ilalim ng kanyang CAREGOV.
l via Borgs Ibabao