Ito ay kasabay ng gagawing paghihigpit ng gobyerno laban sa e-gambling na umano’y isang uri na ng “addict*on” ng mga Pilipino, kabilang ang mga kabataan.
Inanunsiyo ito ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan sa naging pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement, Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies; Youth; Committee Economic Affairs; at Committee on Ways and Means ngayong Huwebes, August 14.

“We gave them sufficient time, all of them.. to take down the links, and also give adequate or prompt information to the public.”, sagot ni Tangonan sa tanong kung bakit sa loob pa ng 48 oras imbes na agad itong ipatupad.
Inaasahang hindi na magagamit ang mga online gambling links simula sa Linggo ng umaga.
Tiniyak naman ng BSP sa publiko na sila ay nakatuon sa pagprotekta sa mga konsyumer at pagtiyak na ang mga sistemang pampinansyal ay hindi na magagamit sa online gambling. l via Borgs Ibabao