Borgs Ibabao & Romeo Luzares
Libreng napanood ng mga Palaweño ang Documentary film na ‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ na ipinalabas sa Robinsons Place Cinema Puerto Princesa City noong September 30, 2025 sa inisyatibo ni Pinoy Workers Party-list Rep. Franz Vincent Legazpi at Philippine Coast Guard (PCG).
Ang free screening ay dinaluhan ng mga estudyante, government employees, mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at miyembro ng Palawan Media.
Ang pelikula ay kwento ng buhay ng mga sundalong nakadestino sa mga isla sa West Philippine Sea (WPS), kwento ng mga sundalong naghahatid ng suplay kasabay ng hinaharap nilang pagsubok, hindi lamang ang lakas ng alon ng karagatan kundi lalo na ang panggigipit at pangha-harass na ginagawa ng mga sundalo ng China.
Ipinakita rin sa kwento ang tunay kalagayan ng mga mangingisdang umaasa sa yaman ng WPS gayundin ang takot na kanilang binabewala malamnan lamang ang sikmura ng kanilang pamilya.
‘Huwag po tayong mawalan ng pag-asa, ito po [ay] mamanahin nating problema at mabuti na po ngayon nabigyan na po tayo ng kamalayan at awareness on the issue at ngayon pa lang po pwede na tayong maghanda sa pagtulong [at] pagsuporta sa mga nangangailang grupo na naroroon sa WPS sa kung anong paraan na kaya nating maibigay”, pahayag ni Cong. Legazpi.
Samantala, susubukan din umano nina Legazpi na maipalabas ang docu film sa mga paaralan sa lungsod at lalawigan nang mas maraming kabataan ang makapanood ng kuwento at laban ng mga kapwa natin Pilipino sa WPS.