Huli ang dalawang suspek sa pagtutulak ng bawal na gamot sa bayan ng Coron Palawan.
Ang dalawang suspek na mga bagong tulak, ay kinilalang sina alyas Vin at alyas Marie nasa hustong gulang, residente ng Bgy. Guadalupe, Coron Palawan.
Tinatayang nasa Php 47,600 ang halaga ng hinihinalang droga ang nakumpiska sa kanilang dalawa.
Ito ay matapos ang test buy kung saan nabilihan ang mga suspek ng halagang isanlibong piso na droga.
Isinagawa ang anti-drug buy-bust operation alas saes bente singko “6:25 am” ng umaga kahapon, Oktubre 17, na isinakatuparan ng Coron Municipal Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Nahaharap sila sa paglabag sa RA 9165. l via Romeo Luzares