

Romeo Luzares
Kumagat sa bitag ng mga pulis ang dalawang lalake sa ikinasang operasyon kaugnay sa iligal na bentahan ng baril.
Naganap ang transaksyon ng mga suspek at kawani ng CIDG na nagpanggap na buyer ng armas, alas-11:15AM, noong Huwebes, September 04 sa mismong bakuran ng suspek sa Purok Maligaya, Bgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Nagkasundo ang pulis at mga suspek sa bilihan ng caliber 45 sa halagang P24,000.
Matapos maaresto sa hindi na pinangalanan na mga suspek, sinabi nilang napulot lang nilan ang baril sa isang isla, apat na taon na ang nakararaan.
Gusto na umano nilang idispatsa ang baril kaya naghanap sila ng bibili na nagkataong pulis naman ang kanilang nabentahan.