Joel Contrivida
Ginanap ngayong araw Okt 5 ang Blessing at Opening ng Upgrace Inn, na matatagpuan sa Libis road, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City.
Re-opening ito matapos ang halos isang taong renovation nila, mayroon na silang Function Hall na may 120 pax na capacity. Mayroon itong 4 na palapag at may 20 rooms, salon at spa.
Taong 2012 ito nagbukas at dating kilala bilang Libis Bayview ng Pamilya Lim, na tubong Bacolod. Ito ang una sa dalawa nilang branch, na matatagpuan sa Coron, na may salon at Spa din. Nasa Libis road ito sa kanto papasok ng San Pedro parish church.