LIKE FATHER, LIKE DAUGHTER. Pinasok na rin ng panganay ni Puerto Princesa City Councilor Matthew Mendoza ang pag-arte sa pelikula, for the first time ay mapapanood na si Bea Angela Mendoza sa big screen para sa movie na I’m Perfect ng Nathan Studios, na official entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre ngayong taon.

Kuwento ng Mom nito na si Mam Angie Mendoza, 8 years ago pa nabuo ang konsepto ng movie thru its director Sigrid Andrea Bernardo, tampok ang casts na may mga down syndrome (DS), sa unang pitch video ay lead star si Bea ngunit hindi naabutan ng kapareha nito na si Andie na maisapelikula ito, dahil pumanaw ito nung panahon ng pandemic. Si Direk Sigrid ang director ng smash hit na Kita-Kita na pinagbidahan ni Empoy Marquez at Alessandra De Rossi.

At sa bagong casting kung saan nag-audtion si Bea ay napili ito bilang supporting role, kasama ang iba pang actors na may DS, at ilang showbiz veteran gaya ni Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Tonton Guiterez, Zaijan Jaranilla at iba pa.

“I’M Perfect centers on two adults with Down Syndrome navigating the complexities of daily life and romantic love.” Ayon sa pahayag ng produksyon.

Si Bea na Special Oympics Athelete, ay kasalukuyang nagtuturo bilang Assistant Teacher sa Salve Regina School dito sa Puerto Princesa. Napanood na rin sya sa isang music video kasama si Mam Angie na nilabas ng Cultural Center of the Philippines nung 2023, para sa Sa Ugoy ng Duyan music video na si Direk Bernardo din ang gumawa.

Mapapanood sa boung bansa ang pelikula, sa mismong araw ng pasko Disyembre 25 ngayong taon.

Via Joel Contrivida