Romy Luzares
Nasakote ang apat na indibidwal sa isinagawang operasyon sa puslit na imported na sigarilyo sa Coron Palawan.

Naganap ang operasyon alas 3:05 ng hapon sa karagatang sakop ng Barangay, Bulalacao, Coron Palawan na isinagawa ng Coron Municipal Police Station, nitong Huwebes, base sa report ng Palawan Provincial Police Office.
Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas Gina, 46, alyas Den 34, alyas Kian 22 at alyas Art 31 mga residente ng El Nido Palawan.
Naaktuhan ang mga suspek habang nagbebenta ng mga puslit o imported na sigarilyo, kung saan nagkunwari na bibili ang mga pulis ng inaalok nilang New Berlin at Fort cigarettes.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 221 reams ng ibat-ibang brand ng smuggled cigarettes at ang ginamit na kulay berde na bangka ng mga suspek.
Nagkakahalaga ng Php 88,400.00 ng mga sigarilyo,
ang mga suspek, ibidinsiya, at bangka, ay nasa kustodiya na ng Coron Municipal Police Station.