Opisyal na nilunsad ng Landbank of the Philippines ngayong araw, Oct 10 sa Brooke’s Point Event Center, ang Agrisenso Plus lending program, umabot sa 1,402 magsasaka at mangingisda mula sa Brooke:s Point, Espanola, Bataraza at Rizal ang dumalo.
Ang Agrisenso ay ang pinadaling pa-utang program ng Landbank na noong Nobyembre ng nakaraang taon nilunsad, naka base sa porsyento ng kita sa ani ang puedeng hiramin ng isang magsasaka, libre na ang binhi, credit health, life at crop insurance, at may pa-training na ipapagkaloob sa mga maaprobahang manghihiram. 4℅ lang ang interes per annum ng programa.
Maaring ma-avail ang pautang sa alinmang sangay ng Landbank, may apat silang branch sa Palawan, 2 sa Puerto Princesa, 1 sa Brooke’s Point, at 1 s Coron. Kailangan magsasaka o mangingisda, o may maliit na negosyo na may kaugnayan sa Agrikultura.
Mayroon ng 200 na aprobado na mga magsasaka mula sa Palawan na nakakuha ng loan simula kahapon, Oct 9. Present sa paglulunsad si Landbank Pres. Lynette Ortiz, Board Member Ariston Arzaga, Brooke’s Point Mayor Cesario Benedito at iba pa.
Via Joel Contrivida