Ang Choir mula sa Imus sa Cavite na kumatawan sa CALABARZON region ang tinanghal na Grand Prix winner, sa katatapos lang na Palawan International Choral Festival at nag uwi ng premyong P300K mula sa PCSO. Sila rin ang nanalo sa Mayor’s Choice, Mixed Category at Sacred Category.

Ang Palawan Chorus Mixtus naman ay nag uwi ng Gold Diploma sa Sacred Category at Category winner para sa Traditional and Foklore, tie sila ng Woodrose Chorale ng National Capital Region na category winner din sa Equal Voices Category winner. Ang iba pang nanalo ay ang Surigao Luminary Voices ng CARAGA Region para sa Mixed Category bilang Gold Diploma, ang Woodrose Chorale ng National Capital Region, Youth Choir Category Gold Diploma winner naman ang Barcelona NCHS Chorale ng Bicol Region.
Ginanap dito sa Puerto Princesa ang nasabing competition mula nung Aug 11 hanggang 16, ginanap ito sa ibat ibang venue gaya ng PALSU Ampitheater, SM at Robinsons Mall at sa Hagedorn Coliseum. Mayroong 17 na mga Choral group ang sumali sa unang taon ng nasabing festival.
Via Joel Contrivida