Inaasahang muling babagsak sa himpapawid at karagatang sakop ng lalawigan ng Palawan ang debris ng isang panibagong rocket launch ng bansang China.
Sa abiso ng Philippine Space Agency (PHILSA) sa Philippine Coast Guard (PCG), nakatakdang ilunsad ng People’s Republic of China ang Long March 8A Rocket sa darating na August 26, Martes, sa pagitan ng 03:00AM- 03:36AM (PST) mula sa Hainan International Commercial Launch Center, Wenchang City, Province of Hainan.
Ang debris ng nasabing rocket ay inaasahang babagsak sa tinatayang 130 nautical miles mula sa El Nido, Palawan at 55 nautical miles mula sa Tubbataha Reef Natural Park, sa Cagayancillo, Palawan; at 27 nautical miles mula sa Hadji Muhtamad, Basilan.
Kaugnay nito, nagpapaalala ang PCG sa lahat ng mga marino o maglalayag malapit sa mga nabanggit na hazard zones na:
  • Manatiling updated sa mga official navigation warnings and advisories;
  • Dagdagan ang pag i-ingat kapag maglalayag sa mga apektadong lugar; at
  • Gawin ang lahat ng kinakailangang precautionary measures sa lahat ng oras.
Matatandaang noong August 04, 2025, may debris din mula naman sa Long March 12 ng China Rocket ang inilunsad at nakita sa kalangitan sa ilang lugar sa Palawan, kasabay ng isang malakas na pagsabog. l via Borgs Ibabao
PS. Not the actual photo of Long March 8A rocket (reference photo only)