Alinsunod sa pangako ni Gov. Amy Alvarez na mas maging maayos at produktibo ang pagdaraos ng Provincial Meet 2025, maagang naibigay ng Provincial Government of Palawan (PGP) ang financial support sa host municipality at mga munisipyo o delegasyon na lalahok sa nasabing palaro.

Noong October 14, 2025 ay personal nang ipinagkaloob ni Office of the Governor – Executive Assistant Carlo A. Buitizon ang tseke na nagkakahalaga ng P9 million kay Bataraza Municipal Budget Officer Joel D. Lichauco bilang pondo sa paghahanda ng naturang palaro.

Ang bayan ng Bataraza ang host municipality ng Palarong Panlalawigan ngayong taon na gaganapin sa November 23-28, 2025.

Samantala, ngayong araw, October 15, 2025, naibigay na rin ng PGP ang suportang pinansyal sa LGU Dumaran na personal namang tinanggap ni Milcha G. Dadule, Admin Aide II ng Municipal Treasurer’s Office.

Kapag nakumpleto na ang mga kinakailangang dokumento, kasunod na ring ire-release ng kapitolyo ang financial support sa iba pang mga LGU’s na kanilang gagamitin para sa logistics at operational expenses sa palarong panlalawigan.

Ang ibibigay na financial support ng kapitolyo ay adhikain ni Gov. Alvarez sa layuning mas mapagtibay pa ang talento at husay ng mga kabataang Palawenyong pagdating sa pampalakasan.

l via Borgs Ibabao