Wala ng buhay ng matagpuan ang mangingisda na apat ng araw na nawawala, matapos marekober ng Coast Guard at Bantay Dagat, Roxas Palawan kahapon, ang biktima na 55 taong gulang ay kinilalang si Anthony Alba, residente ng Brgy. 4, ay apat na araw nang nawawala matapos maglayag para mangisda.

Natagpuan siya sa Green island na  palutang-lutang at wala ng buhay sa dagat, kasama ang nakalubog na bangka.

Huling nakita ang mangingisda sa bahagi ng laot ng Cabugan na siyang inumpisahan ng Search and rescue team ng Philippine Coast Guard at Bantay dagat Roxas upang matunton ang mga labi nito.

Aalamin pa ang sanhi ng ikinasawi ng biktima.

Courtesy Bantay Dagat at PCG Roxas

via Romeo Luzares