
Kumita na ng mahigit dalawang milyong piso ang labinpitung (17) mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa probinsya ng Palawan at Puerto Princesa City dala ang kanilang mga produktong “Husay at Gawang Lokal sa Palawan” sa ginanap na OBRA MIMAROPA Trade Show 2025 noong October 02-05 sa isang mall sa Makati City.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Palawan, umabot sa P2.24 million na pinagsamang cash, booked at under-negotiation sales ng kanilang mga produkto tulad ng native handicrafts, organic, cultural crafts, coconut products, seafoods products, local brewery at iba pa.

Sumuporta naman sa aktibidad ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Economic Enterprise and Development Office (PEEDO) at Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na dinaluhan ni 2nd District Board Member Ariston Arzaga.

l via Borgs Ibabao