Dinakip ng mga tauhan ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) at Palawan Intelligence Unit ang lalaking wanted sa Brooke’s Point, Palawan dahil sa pagputol ng puno ng niyog ng walang kaukulang permit.

Natukoy ang lalaki na isang mangingisda, 54 years old at naninirahan sa Brgy. Mambalot ng nabanggit na bayan.
Naaresto ang suspek noong October 01, 2025 sa bisa ng bench warrant of arrest na inisyu ng MCTC of 4th Judicial Region, Brooke’s Point–Española, Palawan, na may petsang September 24, 2025, dahil sa kasong paglabag sa Section 4 ng R.A 8048, as amended by Sec.1 f R.A No. 10593.
Batay sa RA 8048 o Coconut Preservation Act of 1995, ipinagbabawal ang pagputol ng puno ng niyog liban lamang kapag may pahintulot mula sa Philippine Coconut Authority (PCA).
Nagtakda ang korte ng P2,000 piyansa sa suspek na ngayo’y nasa kustodiya ng Brooke’s Point MPS para sa kaukulang disposisyon.
l via Borgs Ibabao