

Romy Luzares
Nagkaproblema ang mga palipad na mga eroplano sa Puerto Princesa City International Airport ngayong gabi, makaraang ma flat ang dalawang gulong o ang primary landing tire ng NC212i plane ng Philippine Air Force paglapag nito sa pagitan ng alas 5:55 kanina na hanggang ngayon ay nasa runway parin.
Ang Philippine Airlines ay nagpasya na bumalik ng Manila dahil natagalan na hindi pa naiaalis ang eroplano ng Philippine Air Force na nakaharang sa runway.
Kinumpirma ito ni Col. Nepthali Padua ang Public Information Officer ng Western Command, wala namang dapat ikabahala dahil hindi ginusto na ma flat ang gulong ng eroplano paglapag nito at wala namang nasaktan sa sakay nito.
Ayon sa information office ng Tow West Lt. Bernardo on going ang pagpapalit ng dalawang gulong at on going ang pag-alam kung ano ang dahilan ng pagka flat ng dalawang gulong.