Nag-uwi ng mga medalya at parangal ang limang (5) math wizard ng Palawan National School (PNS) sa ginanap na Hong Kong International Mathematical Olympiad (HKIMO) 2025 Final Round noong August 22–25 sa Hong Kong Science Park.
Ito ay pinangunahan ni Gerome Benedict A. Macaraeg (Grade 10) na nanalo ng gold medal at overall 4th placer sa Secondary 3 category at nag-uwi rin ng 2 tropeyo para sa special awards na: Boole Prize Winner at Euclid Prize Winner matapos makakuha ng perfect score sa Logical Thinking at Geometry.




Bronze medalist naman sina Karl Ryan A. Llaneta (Grade 8 ) para sa Secondary 1 Category at Ashantia Catrice S. Madarcos (Grade 9) para sa Secondary 2 Category. Ang mga Grade 9 students naman na sina sina Julian S. Marzo at Maven Bhryle F. Tomesa ay ginawaran ng Merit Awards para sa Secondary 2 Category.

Ang lima ay dumaan sa intensive training nina Sir Christian P. Jose and Sir Raffy G. Clemen na sila ring sumama at gumabay sa mga mag-aaral sa nasabing kompetisyon.
Ayon sa PNS, ito ay maituturing umanong makasaysayang tagumpay na bronze medals ay nakapag-uwi na ng ginto ang mga estudyante mula sa isang international face-to-face mathematics competition.
Aabot sa 3,000 contestants mula sa 19 na bansa sa mundo ang nakatunggali ng limang Palaweño exceptional wizards. l via Borgs Ibabao