ni Borgs Ibabao
Matagumpay na pinakawalan ang 200 pawikan hatchlings sa dalampasigan ng Lawak Island, sa bayan ng Kalayan, Palawan noong Lunes, September 01, 2025 ng mga kawani ng Coast Guard Sub-Station Lawak at Marine Battalion Landing Team (MBLT) 9.
Ayon sa Coast Guard District Palawan (CGDPAL), ang nasabing inisyatibo ay nagbibigay-diin sa pangako nilang proteksyunan ang karagatan at pangangalaga sa mga endangered species sa West Philippine Sea (WPS).