Romeo Luzares
Nasagip ng mga awtoridad ang 14 na indibidwal na umano’y biktima ng human trafficking sa isinagawang hot pursuit operations sa Bgy. Taburi, Rizal, Palawan alas-2:30AM ng Miyerkules, September 10.
Ikinasa ang Anti-Human Trafficking Operation sa pangunguna ng Palawan Provincial Police Office (PPO) kasama ang Luzon Field Unit-Women and Children’s Protection Center, PNP Maritime Group, PAOCC at Operations & Surveillance Division ng Department of Migrant Workers (DMW).
Matapos ang mga pagpaplano, tumulak ang mga awtoridad sa southern municipalities. At makaraan ang ilang oras na pagmamanman at paghahabol, unang naaresto ng composite team ang isang alyas “Ram”, 34 years old ng Poblacion, Quezon at 2 iba pang mga kasama nito, at 4 na babaeng mga biktima.
Pasado alas-12PM ng nasabing araw, na-rescue naman ng Rizal MPS ang sampu (10) pang mga biktima sa kaparehong lugar.
Ang mga biktima ay iti-turnover sa Palawan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sumailalim sa stress debriefing habang inihahanda ang kasong isasampa sa mga suspek na paglabag sa RA 9208 o ‘Anti-Trafficking in Person Act of 2003. l
📸 Palawan PPO