Nasagip ng mga tauhan ng Coast Guard Station Southern Palawan (CGSSP) ang 14 crew ng fishing boat na may pangalang “C-Jay” na nakaranas ng transmission failure noong Huwebes, August 21, sa karagatang sakop ng Bgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan.

Ayon sa ulat, alas-3PM nang inalerto CGDPAL COMCEN ang CGSSP kaugnay ng insidente kaya agad itong nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) mula sa Saipudin Port, Bataraza, Palawan, sa pamamagitan ng M/B WAFEEQ.

Sa pagpupursige ng grupo, pasado alas-4PM nang makita nila ang FB C-Jay at mabilis na nakipag-ugnayan sa crew at nagsagawa towing operations para sa kanilang kaligtasan.
Alas-9:30PM nang ligtas na dumating sa Saipudin Port, Bataraza, Palawan ang CGSSP SAR Team at ang nasabing fishing boat na lulan ng 14 crew members na nasa maayos nang kondisyon.

Sa kwento ng Boat Captain na si Mr. Mark Calvin Rojas, nangyari ang insidente habang sila ay pabalik na sa Puerto Princesa City. l via Borgs Ibabao